SEOUL (AFP) – Nagbaril ang North Korea ng medium-range ballistic missile sa dagat nitong Biyernes, ilang araw matapos ipag-utos ng lider nitong Kim Jong-Un na paigtingin pa ang nuclear warhead at missile tests, sinabi ng defence ministry ng South Korea.

Inihayag ng tagapagsalita ng ministry na ang missile ay inilunsad mula sa Sukchon sa timog kanluran ng bansa dakong 5:55 am (2055 GMT, Huwebes) at lumipad 800 kilometro (500 milya) patungo sa East Sea, tinatawag ding Sea of Japan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture