Pinagtibay ng dalawang komite ng Kamara ang panukalang naglalatag ng code of conduct o tamang pamamaraan sa pagpapaalis sa mga squatter o mga taong walang sariling lupa.

Inendorso ng Committee on Appropriation, sa paumuno ni Rep. Isidro T. Ungab (3rd District, Davao City) at ng Housing and Urban Development ni Rep. Alfredo B. Benitez (3rd District, Negros Occidental), ang ganap na pagpapatibay sa House Bill 6446, na nag-aamyenda sa Republic Act No. 7279 (“Urban Development and Housing Act of 1992”) upang maiwasan ang mga insidente ng karahasan sa demolisyon.

Ang panukala ay inakda ni Rep. Gustavo S. Tambunting (2nd District, Parañaque City). Sinabi niya na nakalulungkot na maraming mahirap ang nasasaktan o kung minsan ay namamatay sa mga demolisyon. (Bert de Guzman)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador