Mariing kinondena ng Malacañang ang pro-Marcos graffiti sa monumento ng EDSA People Power sa Quezon City, at nagbabalang ang mga ganitong vandalism ay maaaring ikagalit ng publiko.

Ang monumento, isang makapangyarihang simbolo ng payapang rebolusyon na nagpatalsik sa diktaduryang Marcos at nagpanumbalik ng demokrasya sa bansa noong 1986, ay sinulatan ng mga salitang “Marcos pa rin!”.

“The vandals who wrote a revisionist slogan at the People Power Monument are inviting the justified anger of our Bosses — the Filipino people — who stood in unison on EDSA to defy the dictators’ armed forces and assert determination to restore democracy in our beloved country,” sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma, Jr.

Ang nasabing graffiti ay napaulat na isinulat sa ibabang bahagi ng EDSA People Power monumento, na obra ni Eduardo Castrillo noong 1993.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kinondena rin ng EDSA People Power Commission “in the strongest possible terms” ang vandalism laban sa makasaysayang monumento.

“The Monument stands as a symbol of our people’s triumph over a Dictatorship that distorted the rule of law, and employed violence to impose its own political beliefs on an entire nation,” saad sa pahayag ng komisyon nitong Martes. “This act of vandalism hence is an affront against all Filipinos who took a stand for human rights and democracy in the 1986 People Power Revolution. It belittles their heroism and sacrifice for our country.”

(Genalyn D. Kabiling)