Sa harap ng nagbubunying lokal crowd, mataas ang kumpiyansa g Philippine taekwondo team na makakasikwat ang Pinoy jins ng gintong medalya sa Asian Taekwondo Qualifier para sa Rio De Janeiro Olympics.

Tatayong host ang bansa sa pinakamalaking torneo sa sports sa Abril 16-17 sa Marriot Grand Ballroom Convention Center.

“I hope the Filipino fans and enthusiasts will be there to really cheer strong for the team. That’s one thing we couldn’t have when we’re outside the country competing,” pahayag ni national coach Igor Mella.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We’re hoping for the best result for our team. Malaking bagay yung hindi ka na mag-aacclimatize, at hindi ka na mag-aadjust sa time. And yung sa venue, we’ll make sure na we get used to it already kung anu man yung environment doon,” aniya.

Puspusan na ang paghahanda ng national team para sa katuparan ng hangaring muling makalaro sa quadrennial meet ang Pinoy.

“Makapasok lang sa finals okey na. Kung manalo mas maganda,” sambit ni Mella, patungkol sa awtomatikong Olympic slots sa finalist.

“You really have to reach the finals and assured a silver para maka-Olympics ka,” pahayag naman ni competition manager Raul Samson.

Kabilang sa inaasahan ng bansa si Pauline Lopez, gold medal winner sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa nakalipas na taon at kampeon sa Asian Youth Games noong 2013.

“Pipilitin ko po. Sa ensayo pa lang, talagang pukpukan na kami,” aniya.