Umaabot sa halos P60 milyon ang kukubrahin ng isang mananaya sa Calaca, Batangas, matapos niyang matsambahan ang anim na masuwerteng numero sa Grand Lotto 6/55 nitong Lunes.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sariling numero ng Batangueño ang tinayaan niyang 14-10-09-12-28-23 para makuha ang P59,736,300 jackpot sa 6/55.

Samantala, 56 na mananaya naman ang tatanggap ng P15,810 bawat isa matapos matsambahan ang lima sa anim na masuwerteng numero.

May 2,071 mananaya naman ang nakatsamba sa apat na numero at kukubra ng P340 bawat isa. (Edd K. Usman)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog