Mga laro ngayon

( Smart-Araneta Coliseum0

4:15 n.h. -- Mahindra vs Rain or Shine

7 n.g. -- San Miguel Beer vs Alaska

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Makamit ang ikaanim na dikit na panalo na magpapatatag sa solong pamumuno ang tatangkain ng Alaska sa pakikipagharap sa Philippine Cup tormentor San Miguel Beer sa tampok na laro ngayong gabi ng 2016 PBA Commissioner’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Matapos silang biguin ng Beermen sa nakaraang first conference finals sa pamamagitan ng makasaysayang pagbangon mula sa 0-3 pagkakaiwan,ngayong gabi pa lamang magkukrus muli ang landas ng dalawang koponan.

Masasaksihan ang isa pang blockbuster match ganap na alas-7:00 ng gabi, matapos ang unang salpukan sa pagitan ng Mahindra at Rain or Shine, ang team na nagpalasap ng ikalawang kabiguan ng SMB ngayong second conference ganap na 4:15 ng hapon.

Dahil sa natamong 105-108 na kabiguan sa kamay ng Elasto Painters, bumagsak ang San Miguel sa ikatlong posisyon hawak ang barahang 3-2.

Ayon kay Alex Compton, bagamat totoong masakit, kailangan nilang kalimutan ang mga nangyari at harapin ang mga dapat nilang gawin.

“We should not dwell on the past,” ani Compton na muling aasa sa kanilang depensa na aniya’y naghatid sa kanila sa nakaraang huling panalo laban sa Globalport.

Sa kabilang dako,magkukumahog naman ang Beermen na makabalik sa winning track upang makaiwas na mas bumaba pa ng posisyon.

Samantala, sa unang laro mag-uunahang makapagtala ng ika-apat na panalo para sa makapagsolo sa panglimang puwesto ang Mahindra at Rain or Shine na magkasalo sa patas na barahang 3-3.

Umaasa si coach Yeng Guiao na aangat pa ang kanilang laro sa pagdating ng bagong import na si Mo Charlo.

Aniya, sakto ang laro at istilo ng dating NBA D League All Star sa kanilang koponan kumpara sa dating import nilang si Antoine Wright. (MARIVIC AWITAN)