Sugatan ang isang 49-anyos na misis at kanyang kalaguyo matapos silang pagsasaksakin ng kanyang mister nang matiyempuhan silang magkasiping sa isang kama sa Pasay City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay City Police, ang suspek na si Isabelito Ignacio, 53, ng Saint Joseph Street, Barangay 201, Zone 20, Balabag, Pasay City.

Samantala, naka-confine pa rin sa Pasay City General Hospital ang asawa ng suspek na si Luzviminda Labendia, na nagtamo ng saksak sa kanang braso; at si Joseph Sesiban, 29, jeepney driver, ng Kai Compound, Merville, Pasay, na tinarakan sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Napag-alaman sa pulisya na natiyempuhan ni Ignacio ang kanyang misis at si Sesiban na magkayakap habang natutulog sa isang silid sa bahay ng pinsan ng suspek sa No. 317 San Roque St., Bgy. 142, dakong 11:30 n g gabi nitong Linggo.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

At dahil nagdilim ang paningin sa kanyang naabutan, dumukot ng spatula ang suspek mula sa kanyang bag at unang pinagsasaksak si Sesiban. Nang tangkain ni misis na awatin si Ignacio ay tinarakan din ito subalit nakailag kaya sa braso lang nasaksak ang ginang.

Sinabi ng imbestigador na duguan na si Sesiban nang datnan ng mga opisyal ng barangay na umaresto rin sa suspek.

Napag-alaman ng pulisya na mahigit 20 taon nang nagsasama sina Ignacio at Labendia bago naging kalaguyo ng huli si Sesiban ng halos isang buwan. (Martin A. Sadongdong)