Muling nakakuha ng pagkakataon si three-time world title challenger Richie Mepranum ng Pilipinas na maging kampeong pandaigdig sa paghamon kay WBC superflyweight champion Carlos Cuadras sa Abril 23 sa Sinaloa, Mexico.

“Unbeaten WBC super flyweight world champion Carlos “Príncipe“ Cuadras (34-0-1, 26 KOs) defends his title against Filipino Richie “Magnum“ Mepranum (31-4-1, 8 KOs) on April 23 at the Centro de Usos Múltiples in Los Mochis, Sinaloa, Mexico,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

“Cuadras will be making his sixth defense of the 115lb belt he has held since May 2014,” dagdag sa ulat. “Mepranum, rated #14 in the WBC rankings, has won four straight since an unsuccessful title shot against WBA and WBO flyweight king Juan Francisco Estrada.”

Unang nagtangka si Mepranum na maging world champion nang labanan si Mexican Julio Cesar Miranda para sa bakanteng WBO flyweight crown noong 2010 sa Puebla, Mexico pero natalo siya via 10th round TKO.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napatigil din siya ni Estrada nang maglaban sila noong 2014 sa Sonora, Mexico para sa WBA at WBO flyweight title.

Sumikat sa buong mundo si Mepranum nang palasapin ng unang pagkatalo via 10-round unanimous decision ang sumisikat na knockout artist na si Mexican Herman “Tyson” Marquez noong 2010 sa Grapevine, Texas sa United States. - Gilbert Espeña