ITINURO sa amin ng aming kaibigang dating aktres, newscaster na ngayon ay number one councilor ng Quezon City na si Precious Hipolito-Castelo ang simbahan ng Kristong Hari sa Fairview na ayon sa kanya ay pinapaganda nang husto ni Ai Ai delas Alas.

Sabi ni Precious, ikinuwento sa kanya ng constituents niya na malaking halaga raw ang ibinigay ni Ai Ai para sa renovation ng naturang simbahan.

Matatandaang sa Love for Mama Concert ay binanggit ng Kapuso comedienne na ang nasabing simbahan ang magiging beneficiary o lahat ng kita ay mapupunta sa pagpapagawa ng naturang simbahan.

Banggit pa ni Coun. Precious, na abalang-abala rin sa kaliwa’t kanang proyekto sa nasasakupan niyang distrito, nagpapasalamat ang parishioners ng Kristong Hari Church dahil tinupad ni Ai Ai ang kanyang pangako.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dagdag pa ni Precious, na maybahay ni Cong. Winnie Castelo (walang kalaban sa re-election for congressman ng 2nd District ng QC), may umugong na isyu kamakailan na tatakbo para konsehal ng Kyusi si Ai Ai.

“Baka sa susunod na eleksiyon, eh, mas mataas pa sa konsehal ang papasukin niya,” sey ni Coun. Precious.

Samantala, tinutulugan din ni Ai Ai ang simbahan ng Sto. Niño de Tondo nong panahon na ang kaibigan niyang si Rev. Fr. Eric Santos pa ang kura paroko. Pero nailipat na si Fr. Eric sa ibang simbahan, huh! –Jimi Escala