Roxanne copy copy

NAKAUSAP namin ang isang kaibigan ni Roxanne Barcelo na naghihimutok dahil bigla na lang tinanggal ang singer/aktres sa seryeng Bakit Manipis Ang Ulap ng TV5.

Aniya, marami ang pumuri sa acting na ipinakita ni Roxanne sa mga naunang episode. Katunayan, hindi nga raw mabilang ang magagandang text messages na natanggap niya mula sa mga nakapanood ng serye.

“Sobrang galing ni Roxanne lalung-lalo na sa confrontation scene nila ni Claudine (Barretto). Marunong din naman siyang makisama sa mga kasamahan sa show, kaya nakapagtataka kung bakit bigla na lang siyang tinanggal sa cast,” sey ng kausap namin.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ayon pa sa source, maaaring may kinalaman si Direk Joel Lamangan sa pagkakatanggal kay Roxanne. Pero hindi naman niya idinetalye kung ano ang dahilan at initsa-puwera ni Direk Joel si Roxanne.

“In time, lalabas din naman ang totoo, basta sa pagkakaalam ko, eh, walang kasalanan si Roxanne, gusto lang niyang magkaroon ng trabaho at iniiwasan niyang magkaroon ng katampuhan,” sey pa ng source. (Jimi Escala)