Sylvia, Art at mga anak copy

SIMPLE lang ang 50th birthday party ni Papa Art Atayde, ama nina Arjo, Ria, Gela, Xavi at asawa ni Sylvia Sanchez sa bahay nila sa White Plains, Quezon City hindi katulad dati na parating sa hotel ginaganap.

Kumpleto ang mga anak nila dahil dumating si Arjo galing ng taping ng Ang Probinsiyano pero sumaglit lang at nagpaalam din agad dahil may eksena pa siya na kailangang tapusin.

Maysakit si Ibyang at wala naman siyang kaagapay para mag-asikaso ng malaking handaan kaya sa bahay na lang at mas intimate pa.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Pawang close friends ng pamilya Atayde ang dumalo at namataan namin sina Gretchen Barretto kasama ang partner niyang si Tony Boy Cojuangco, Joy Viado, Jana Agoncillo aka Ningning at marami pang iba na hindi na namin nahintay dahil maaga kaming umalis.

“Good health and happiness,” ang birthday wish ni Ibyang sa kanyang hubby. “Okay ang negosyo niya and I want to grow old with him at happy ang family at intact. Wala naman akong mahihiling na kasi ibinibigay naman lahat sa amin ni Art, mabuti siyang asawa at ama sa mga anak namin, iingatan siya parati ng Panginoong Diyos.”

Bagamat nakangiti ay halatang malungkot si Sylvia dahil may kulang sa mga bisita niya, ang manager niyang si Tita Angge na kasalukuyan pa ring nasa hospital.

“Siyempre, nalulungkot ako sa nangyari sa manager ko, wala naman akong magawa kundi tanggapin, pero sana mag-miracle,” sabi ng aktres nang punahin namin ang lungkot sa mga mata niya.

At para hindi masira ang gabi ay idinaan ni Ibyang sa biro ang sinabi niya kay Tita Angge habang nagbabantay siya sa hospital, “Tita A, birthday ni Art sa Biyernes, may handaan sa bahay, dumaan ka, ha o kaya dalawin mo kami.

“Oo nga pala, papunta kaming Amanpulo sa Sabado at sa Martes ang balik. Alam mo naman na matagal na itong nakaplano at ito ang gusto ni Art, kaya utang na loob, ‘wag mo akong kukulitin, ha? ‘Wag mong sasabihing may taping ako.”

Habang tinitipa namin ang balitang ito kahapong alas dose ng tanghali ay nasa airport na ang pamilya Atayde patungong Amanpulo.

May post din sa kanyang social media account ang aktres na, “First time for us to travel without anyone else but our family so excited to relax and spend quality time with the family for @xaviiart’s 50th birthday #priceless”.

(REGGEE BONOAN)