Andrea Torres 2 copy copy

SI Andrea Torres, ang isa sa mga artistang hindi marunong tumanggi sa roles na ibinibigay sa kanya. Ang katwiran niya, artista siya at kailangan niyang gampanan ang anumang roles na ibinibigay sa kanya.

Sa The Millionaire’s Wife, nasubukan na naman ang pagiging professional ni Andrea, nang tanggapin niya ang role ng isang dalagang ina na napilitang magpakasal sa isang halos lolo na niya, para lamang sa kanyang anak, at kahit na ang tunay niyang mahal ay ang ama nito. 

First time ding gaganap ni Andrea bilang isang ina at may eksena pa siyang nagbi-breastfeed sa kalye.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Hindi ba siya nahirapan sa role niyang ito, lalo na at dalaga pa naman siya.

“Hindi po naman, mayroon kasi akong brother na may down syndrome, he is almost two years old na ngayon,” sagot ni Andrea. “Since bata pa siya, tulung-tulong po kami sa pag-aalaga sa kanya, kaya nasanay na rin ako na parang may alagang anak, tulad nang pagtuturing ko sa brother ko.Mahirap po sa una, dahil hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin, pero ngayon, sanay na kaming alagaan siya.”

Eh, ang magmahal ng lalaking tatlong ulit ang katandaan sa kanya?

“Siguro po naman hindi magiging isyu kung talagang nagmamahalan kayo, na ma-in love ka sa isang mas matanda sa iyo.

Pero sa character ko as Louisa, mangangako ako na mamahalin at paglilingkuran ko siya sa abot ng kaya ko, kapalit ng lahat ng ibibigay niyang tulong sa akin, para sa anak kong may juvenile diabetes.”

Pero paano kung bumalik ang lalaking talagang mahal niya, ang ama ng kanyang anak, mababago ba ang binitiwan niyang pangako nang magpakasal siya kay Fred (Robert Arevalo)?

“Hindi ko pa alam kung paano ang mangyayari, pero una kaming mapapanood ni Mike (Tan) bilang mag-sweetheart hanggang sa bigla na lang siyang nawala. Hindi ko alam na nang umalis siya, buntis pala ako. At doon na magsisimula ang paghihirap ko at ng magiging anak ko.”

Ang The Millionaire’s Wife ay mapapanood na simula bukas (Lunes, Marso 14), pagkatapos ng Hanggang Makita Kang Muli sa GMA 7, mula sa direksyon ni Arthur Langitan. (NORA CALDERON)