Inihayag ng Malacañang nitong Biyernes na iniimbestigahan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang diumano’y $100 million money laundering scam na kinasasangkutan ng apat na bangko kabilang na ang Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC).

“The Anti-Money Laundering Council is investigating the matter to determine the identities of those involved,” pahayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. sa Malacañang media.

Pinayuhan ni Coloma ang publiko na hintayin muna ang findings ng AMLC sa iniulat na itinagong $81 million na diumano’y idineposito sa RCBC-Jupiter branch sa Makati City.

Sa kanyang panig, iniulat na lumikha na ang RCBC ng komite para silipin ang kaso.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“It is best that we await the findings of the AMLC. The next administration and the incoming Congress will have the opportunity to act on possible legislation that could strengthen government’s capability to stop money laundering activities,” wika ni Coloma.

Umaasa si Coloma na mabilis na kikilos ang AMLC kaugnay sa bagay na ito at parusahan ang mga responsable sa likod ng scam na yumanig sa financial system.

”We have the law to address this concern and the AMLC is already doing its part. The council has proven it before and they acted on the right direction to stop the illegal transactions. So we’re hoping that we can maintain our status as a compliant country on the aspect of international financial transactions,” pahayag ng PCOO chief.

BOGUS ACCOUNTS

Kaugnay nito, isa sa anim na Filipino businessman na iniimbestigahan sa $81 million na pinaniniwalaang ninakaw sa U.S. account ng central bank ng Bangladesh, ang humiling noong Biyernes sa mga awtoridad na alisin ang freeze order sa kanyang mga bank account, itinangging may kinalaman siya sa scheme.

Nagpetisyon si William S. Go, sa Court of Appeals na i-reconsider ang freeze order na inisyu noong Marso 1 sa kahilingan ng AMLC. Sinabi niya na “bogus” ang isang account sa kanyang pangalan at isa pang nasa ilalim ng kanyang kumpanya, ang Centurytex Trading, sa isang sangay ng RCBC at pineke rin ang kanyang pirma.

Nakasaad sa petisyon na isinumite nitong Biyernes na hindi si Go ang nagbukas ng mga nasabing account. Hiniling din nito na imbestigahan ang sitwasyon.

Itinanggi na ni RCBC CEO Lorenzo Tan na may kinalaman siya sa scheme.

“I condemn as malicious and actionable insinuations that the top management of the bank knew of and tolerated alleged money laundering activities in one branch,” sabi ni Tan sa isang pahayag nitong unang bahagi ng linggo.

“I will fully cooperate with all ongoing inquiries and believe that I and consequently the bank’s management will be fully vindicated.”

Sinabi ng Bangladesh central bank na kumikilos ito para mabawi ang $100 million na kinuha sa isang account nito sa Federal Reserve Bank ng New York. (PNA/AP)