Sid Lucero (3) copy

MAY rason magka-crush si Sid Lucero kay Ina Raymundo dahil at 40 years old, sexy pa rin si Ina, hindi tumaba at mas lumiit pa nga ang waistline.

Ang vital stats ni Ina ngayon ay 35-26-35, samantalang noong dalaga pa ay 27 ang waistline.

“Nakakatawa nga dahil lumapit sa akin si Sid sa look test namin ng The Millionaire’s Wife and he told me, ‘You’re so beautiful’ at sinundan pa ng, ‘You’re so gorgeous.’ Nag-thank you ako sa kanya at nagtawanan kami,” kuwento ni Ina.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ang nakatutuwa rito, magkapatid ang role nina Sid at Ina sa Afternoon Prime at mother nila si Jaclyn Jose.

Kontrabida rito si Ina and this time, full blown kontrabida siya at pahihirapan si Andrea Torres na magiging asawa ng lolo niya na ginagampanan naman ni Robert Arevalo.

Challenge kay Ina na magmukhang bata at dalaga dahil ina niya si Jaclyn at sa napanood namin sa trailer at nang makausap namin siya, konting effort lang ang gagawin ni Ina. Sabi nga ni Sid, she looks gorgeous at maraming dalagang artista siyang patataubin.

Anyway, sa Monday na, pagkatapos ng Hanggang Makita Kang Muli ang pilot ng The Millionaire’s Wife sa GMA-7 sa direction ni Albert Langitan. (NITZ MIRALLES)