SAN JUAN, Puerto Rico (AP) – Pinutol ng power company ng Puerto Rico nitong Huwebes ang elektrisidad sa isang ospital dahil sa halos $4 million na hindi nabayarang utang, sa pagsisikap ng ahensiya na makakolekta ng pera sa gitna ng krisis sa ekonomiya ng isla.

Sinabi ng Electric Power Authority na hinintay nitong matapos ang mga surgery bago putulin ang linya sa Santa Rosa Hospital sa southern coastal town ng Guayama.

Nabaon ang Puerto Rico sa $70 billion utang at humihiling ng restructuring mechanism mula sa U.S. Congress. Inihayag ng governor noong nakaraang taon na hindi na mababayaran ang halagang ito.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina