Cristine copy

“GUSTO kong linawin iyong resignation niya (Vivian Velez) sa show because of me was a big lie, because she found already na papatayin iyong character niya sa soap namin,” bungad ni Cristine Reyes sa panayam sa kanya ni TV Patrol correspondent Ginger Conejero.

“Why (papatayin) because everybody was complaining about her especially the production staff. So, it saddens me that I’m being used in this particular situation of hers sa graceful exit,” patuloy ng bida ng Langis at Tubig.

“Sana if ever na mag-settle na lahat ang emotions niya maisip at ma-realize niya na we all know the truth and it’s all lies.”

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Tinanong din si Cristine kung saan nagmumula ang galit sa kanya ni Vivi.

“Hindi ko naiintindihan kung saan nanggagaling ang galit sa akin ni Ms. Vivian. I really don’t understand.”

Nabanggit din ng aktres na walang dapat pagtakpan sa kanya ang production base na rin sa post ni VV ng, ‘white washing’ kung ano talaga ang nangyari sa kanila.

“Para sa akin, hindi naman ako para pagtakpan kung mayroon akong kasalanan talaga. I’m pretty sure kung mayroon akong kasalanan, hindi ako para pagtakpan ng management.

“Magiging transparent sila kung sino ang nasa tama. And they just clarified it because she’s accusing me of sending her out of the room. And they just backed me up because it’s just not true,” kuwento ni Cristine.

At dahil pressured na ang lahat sa taping bukod pa sa mainit, halos lahat daw ay nagbibiruan sa set at sinabayan naman ni Cristine ng pagkanta ng Goodbye ni Avril Lavigne na sa tingin niya ay ikinagalit lalo ng beteranang aktres.

“Honestly, we were all joking about her on set. And we’re sorry for that but you know dala lang iyon ng pressure sa work to make everything light.

“Kasi masyado nang mainit sa set, masyado nang maraming issues so we just wanted it to be fun on the set but then si Ms. Vivian is very hot-headed sometimes,” katwiran ng aktres.

At maski raw walang kasalanan si Cristine sa nangyari sa kanila ni Vivian ay humingi pa rin siya ng dispensa bilang nakatatanda ito sa kanya. Nagpahayag din ang aktres na hindi niya mapapatawad ang tinaguriang Ms. Body Beautiful sa ginawa nito sa kanya.

“Damage has been done,” sabi pa niya.

Samantala, as of press time ay hindi pa nagbibigay ng anumang panibagong komento si Ms. Vivian. (Reggee Bonoan)