Leni, Bimby, Josh at Kris copy

SA part three ng six-part announcement ni Kris Aquino na iiwan niya ang showbiz, may nabanggit siyang magta-travel sila ng mga anak niyang sina Josh at Bimby.

Sa Japan at iba pang Asian countries paboritong magbakasyon ang mag-iina at nitong huli, Hawaii ang gusto nilang puntahan, kaya hindi kami magugulat kung bumalik sila sa favorite vacation place nila ngayon.

May nakapagsabi rin sa amin na sasama si Kris sa sortie ni Cong. Leni Robredo na tumatakbong vice president ni Mar Roxas. All out daw ang pagtulong ni Kris sa kampanya ni Cong. Leni at noon pa siya nagpahayag ng suporta rito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

In fact, may picture siyang ipinost kamakailan sa Instagram na na magkasama sila ni Cong. Leni at mga anak na sina Josh at Bimby. Ang caption pa nga ni Kris sa picture ay, “Brave... Simple... Trustworthy... HONEST.”

Samantala, ibinalita ni Kris na ang second branch ng Our Potato Corner Plus/Nacho Bimby ay magbubukas sa May sa SM North The Block. Sa March 17 naman, ang contract signing niya para sa franchise grant ng second branch ng Chowking sa Petron NLEX.

May inihahanda na ring siyang Jollibee franchise sa Tarlac, ang kanyang hometown. (NITZ MIRALLES)