Nasugatan ang dalawang tao makaraang masunog ang isang resort sa loob ng subdibisyon sa Barangay Zone 4 sa Dasmariñas City, Cavite, nitong Lunes.

Ginagamot sa tinamong third degree burns sina John Mark Bisnar, binata, ng Bgy. H2, Tondo, Maynila; at Prince Reyes, 25, binata, ng Bgy. Dagupan, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 11:20 ng gabi nang mangyari ang sunog sa loob ng isa sa mga silid ng Palmas Del Sol Resort na roon naka-check in ang mga biktima.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, nasira ang butane fueled burner na ginagamit ng mga biktima at mabilis na kumalat ang apoy sa resort at inabot ng mahigit isang oras bago naapula.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasa P100,000 ang halaga ng natupok sa resort. (Beth Camia)