Marami pa ang dapat gawin upang higit na mapangalagaan ang karapatan ng kababaihan kahit hindi naman napag-iiwanan ang Pilipinas sa talaan ng mga bansang may maayos na batas para sa kapakanan ng mga nagbubuntis.

Ayon kay dating Justice secretary at ngayo’y Liberal Party (LP) senatorial bet Leila de Lima, kahit maganda na ang pagpapatupad ng batas para sa kababaihan, na pampito ang Pilipinas sa buong bansa, marami pa rin ang dapat baguhin.

Kabilang sa mga nais na amyendahan ni De Lima ay ang Magna Carta of Women, at Extended Maternity Leave.

Hingid din ng dating kalihim na maipatupad ang Criminal Code of Crimes, na layuning gawing simple at iwasto ang mga pagkakamali ng isang sinentensiyahan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa ulat ng Philippine Commission on Women, isa sa limang babae ang nakakaranas ng pang-aabusong pisikal, isa sa 10 kababaihan naman ang nakaranas ng pang-aabusong seksuwal, at isang babae ang hinahalay sa bawat 80 minuto sa Pilipinas.

Aniya, malaking tulong ang Reproductive Health Law pero kailangan pa rin ang ibayong edukasyon at impormasyon, dahil sa pananaw ng iba, ang nabanggit na batas ay nakatuon lang sa pamamahagi ng mga contraceptive. (Leonel Abasola)