Magiging permanente na ang P30 na flag down rate sa mga taxi sa buong bansa, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Idinahilan ni LTFRB Chairman Winston Ginez ang sunud-sunod na oil price rollback mula pa noong nakalipas na buwan kaya nagdesisyon silang ibaba ang flag down rate ng taxi service.

Binanggit niya na sa kabila ng sinasabing dapat magkaroon ng automatic na P10 reduction, hindi umano ito sinusunod ng karamihan sa mga taxi driver.

Paliwanag nito, isasailalim na nila sa reconfiguration ang metro ng mga taxi upang baguhin ang automatic P40 flagdown rate na kasalukuyang naka-program sa mga metro.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Magpapatupad din ang LTFRB ng P3.50 dagdag-pasahe para sa bawat susunod na 500 metro mula sa dating bawat 300 metro.

Ipaiiral ang nasabing fare adjustment simula sa Marso 19. (Rommel P. Tabbad)