Marso 9, 1981 nang tumagas ang radioactive wastes mula sa planta ng Japan Atomic Power Company sa Tsuruga, Japan. Nasa 59 na trabahador ang nalantad sa radiation.

Umapaw ang tangke ng radioactive matapos makaligtaan ng isang empleyado na patayin ang mahalagang valve. Aabot sa 16 na toneladang radioactive waste ang umagos sa Wakasa Bay. Nakontamina at nagbago ang hitsura ang mga isda sa nasabing lawa, na naging mapanganib para sa mga nanghuhuli ng isda sa Wakasa Bay. Nasa 10 beses namang mas mataas kaysa normal ang radioactive level sa seaweeds.

Abril 21 na nang ihayag sa publiko ng Atomic Power Commission ng bansa sa publiko ang nangyaring aksidente, ngunit sinabing ligtas naman ang lahat mula sa mataas na radiation.

Nagbitiw sa puwesto ang presidente ng Japan Atomic Power Company noong Mayo 1981.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’