Pinabagsak ng Caida Tiles, sa pangunguna nina Billy Robles at Philip Paniamogan, ang BDO-NU, 89-68, nitong Lunes para tapusin ang elimination campaign sa 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup sa impresibong pamamaraan, sa San Juan Arena.

Kumana si Robles ng 11 puntos, habang may anim na puntos si Paniamogan sa krusyal na sandali para maipadala ng Tile Masters ang 17-0 run para hilahin ang bentahe sa 67-47 may 8:53 sa laro.

“I think we just played good in the second half. We started hitting our shots and allowed everybody to try to get confidence for the next round against AMA,” sambit ni Caida coach Caloy Garcia.

Bunsod ng panalo, nakopo ng Caida Tile (7-1) ang ikalawang puwesto at ang twice-to-beat incentive sa pakikipagharap sa Titans sa quarterfinal duel sa susunod na Martes.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna si Alfred Aroga sa BDO (2-6) sa 19 puntos at 11 rebound.

Samantala, tuluyang pinatalsik ng Phoenix-FEU ang Mindanao sa pamamagitan ng 90-80 panalo.

Hataw si Mac Belo sa Accelerators sa natipang 24 na puntos at 6 na rebound, habang kumana si Ed Daquioag ng 22 marka.

“Confidence builder siya and at the same time, we don’t want to go to the quarters with a losing record,” pahayag ni Phoenix coach Eric Gonzales.

Nanguna si Ken Acibar sa Mindanao na may 18 puntos.

Iskor:

(Unang laro)

PHOENIX-FEU (90) - Belo 24, Daquioag 22, Tolomia 14, Ru. Escoto 10, Andrada 6, Tamsi 6, Pascual 5, Inigo 3, Ri. Escoto 0, Lee Yu 0.

MINDANAO (80) - Acibar 18, Garcia 16, Salamat 12, Sarangay 10, Celiz 9, Jumao-as 8, Villanueva 3, Ignacio 2, Ongteco 2, Argamino 0, Dadjilul 0, Julkipli 0.

Quarters: 21-19, 39-39, 60-53, 90-80.

(Ikalawang laro)

CAIDA TILE (89) - Grey 20, Cabrera 12, Paniamogan 12, Robles 11, Perkins 8, Corpuz 6, Parala 5, Jalalon 4, Lozada 3, Gabawan 2, Nambatac 2, Ruaya 2, Terso 2.

BDO-NU (68) - Aroga 19, Alejandro 9, Javelona 9, Salem 8, Salim 7, Labing-isa 6, Diputado 5, Tansingco 3, Perez 2, Rono 0, Yu 0.

Quarters:

13-14, 39-31, 59-47, 89-68.