Mga laro sa Huwebes

(Moro Lorenzo Field)

9 n.u. -- UE vs Ateneo

1 n.h. -- NU vs DLSU

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

3 n.h. -- UST vs UP

Binokya ng defending champion Far Eastern University ang Adamson University, 4-0, kamakailan sa UAAP Season 78 football tournament, sa McKinley Hill Stadium sa Taguig.

Pinangunahan ni Rico Andes ang Tamaraws sa dalawang goal, habang kumana ng tig-isa sina Paolo Bugas at Audie Menzi.

“Sa ngayon, mas maganda ang motivation ng team,” sambit ni Andes. “Nakaka-adjust na kami at kinukuha na namin yung chances namin sa goal.”

Dahil sa panalo, umangat ang FEU sa ikatlong puwesto taglay ang 11 puntos kasunod ang UP na parehas may 11 puntos ngunit naiwan sa goal difference.

Natapos naman ng Adamson ang first round na may isang panalo at tatlong puntos.

Nauna rito, nagwagi ang University of Santo Tomas , 2-1, kontra Ateneo.

Nagsipagtala ng goal sina rookie AJ Pasion at Darwin Busmion sa ika-46 at ika-60 minuto ng laro.

“We want to keep in step with La Salle atop the league,” pahayag ni UST coach Marjo Allado.

Ang panalo ay nagluklok sa Tigers sa solong ikalawang puwesto hawak ang kabuuang 14 na puntos kasunod ng Green Archers na may 16 na puntos.

Nanatili naman ang Ateneo sa ikaanim na puwesto taglay ang 6 na puntos. (Marivic Awitan)