Ni Marivic Awitan

Patuloy ang pananalasa ng University of Santo Tomas nang pataubin ang Ateneo,  2-1, sa pagpapatuloy nitong linggo ng UAAP men’s football tournament sa McKinley Hill Stadium.

Matapos ang bokyang first half, nagtala ang Growling Tigers ng dalawang goals sa pamamagitan nina  rookie AJ Pasion at Darwin Busmion na nakapuntos sa ika-46 at ika-60 minuto, ayon sa pagkakasunod.

“We want to keep in step with La Salle atop the league,” ani UST coach Marjo Allado.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Dahil sa panalo, mayroon na ngayong 15 puntos ang Tigers na nagpatatag sa pagkakaluklok nila sa second spot, kasunod ng namumunong  Green Archers na may 16 puntos.

Nagmula naman ang isang goal ng  Blue Eagles kay Mikko Mabanag sa huling bahagi ng second half. Nanatili ang  Ateneo sa ikaanim na puwesto taglay ang 6 na puntos.

Sa isa pang laro, nauwi sa scoreless draw ang laban ng University of the Philippines at National University.