Sinundan ng University of Santo Tomas ang malaking panalo kontra defending champion Adamson nang bokyain ang National University, 6-0, kahapon, at makamit ang huling  twice-to-beat slot sa Final Four ng  UAAP softball tournament, sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Mula sa 6-2 panalo na tumapos sa makasaysayang  73-game winning run ng Lady Falcons, lutang na lutang ang gana at gilas ng Tigresses  kontra Lady Bulldogs.

 Target ng Tigresses na makuha ang championship slot sa pakikipagharap sa Lady Bulldogs sa simula ng kanilang Final Four duel ngayon sa ganap na 11:00 ng umaga.

Maghaharap naman sa isa pang semis pairing ang top ranked Adamson at No. 4 University of the Philippines. - Marivic Awitan

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA