BEIJING (AP) – Patay ang 12 minero matapos tumagas ang gas sa isang coal mine sa hilagang silangan ng China.
Iniulat ng official Xinhua News Agency na nangyari ang insidente nitong Linggo sa isang minahan sa lungsod ng Baishan sa Jilin Province. Kinumpirma ng rescuers kahapon ng umaga na namatay ang 12 naipit na minero.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng aksidente.
Ang carbon monoxide ang karaniwang pangunahing sangkap ng nakalalasong gas na tumagas mula sa coal deposits, at dapat itong mahawi bago pa man malason ang mga minero o sumabog.