Laro Ngayon (Filoil Flying V Arena)

2 n.h. -- Phoenix-FEU vs Mindanao

4 n.h. -- BDO-NU vs Caida Tile

Hindi na kailangan pang pumuwersa, ngunit puntirya ng Caida Tile na tapusin ang elimination round sa impresibong pamamaraan kontra sa NU-BDO ngayon sa 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup, sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayaw magpakampante ni coach Caloy Garcia, higit at namuntik na ang Tile Masters sa dikitang laro kontra sa Mindanao, 95-87, kamakailan.

“I think from the way we performed against Mindanao, the boys realized how important every game is. Kahit anong ganda ng talent ng team mo, if you go into a game thinking that you’re going to win, there’s always a chance na maging maswerte yung kalaban,” pahayag ni Garcia.

Sa kabila ng kanilang agwat sa katayuan, sinabi ni Garcia na nakapanlulumo sa kanilang kampanya sa quarterfinals kung matatalo sila ng Aguilas.

“I think we just have to work more on our defence,” aniya.

Nakatakda ang laban sa ganap na 4:00 ng hapon, habang magkakasubukan ang Phoenix-FEU at Mindanao sa 2:00 ng hapon.

Tangan din ang twice-to-beat incentive sa quarterfinals, asam ng Accelerators na tuldukan ang elimination round sa panalo.

“We always have to keep our best,” pahayag ni coach Eric Gonzales.

“They’re doing the right thing with our passing, but kailangan din namin umiskor,” aniya.

Sasabak ang Accelerators na wala sila Roger Pogoy (hamstring) at Raymar Jose (sprained ankle).

“Kahit kulang kami, we should play to win,” sambit ni Gonzales.