NU copy

Hindi na pinaporma ng National University Bullpups ang La Salle Zobel Junior Archers tungo sa 96-75 demolisyon para makopo ang kampeonato sa UAAP Season 78 juniors basketball Biyernes ng gabi sa San Juan Arena.

Mula sa 22-9 na kalamangan sa pagtatapos ng first canto,nakuha pang maghabol ng Junior Archers sa pamumuno ni season MVP Aljun Melecio na kumana ng 14 na puntos kabilang ang apat na 3-pointers sa second period para itala ang iskor na 31-33.

Ngunit, naglatag ang Bullpups ng 28-3 run sa pagsasara ng first half upang makontrol ang laro sa 73-40 bentahe.

Mula roon, hindi na lumingon ang Bullpups at tuluyang kumaripas para makopo ang ikatlong titulo sa limang final appearance sa pangangasiwa ni coach Jeff Napa.

Human-Interest

Sinong may pagkukulang? LET examinee emosyunal, hindi nakakuha ng exam dahil na-late

Ibinuhos ng NU ang lahat matapos silang mabigo sa Game 2, 60-71, kung saan naputol ang makasaysayan nilang 15-sunod na panalo kabilang ang 14-game sweep ng elimination.

Nahirang bilang finals MVP ang 6-foot-9 at tubong Mabalacat, Pampanga na si Justine Baltazar na nag-average ng 16 puntos, 20.3 rebounds at tatlong block sa serye.

Nagtapos si Baltazar sa laro na may 18 puntos, 14 rebound at apat na block.

“At least, nag-send ng strong message ‘yung team. Pinakita nila na deserving sila mag-champion,” pahayag ni Napa. (Marivic Awitan)