Mikee copy

ANG koponang GlobalPort Batang Pier na kinabibilangan ni Terrence Romero sa Philippine Basketball Association ay pag-aari ni Michael ‘Mikee’ Romero na kasama sa listahan ng Forbes Asia List Top 50 Richest in the Philippines.

Aminado si Mikee na mas lalong nakilala ang team niyang GlobalPort Batang Pier nang ma-link si Terrence kay Vice Ganda at positibo naman daw ang feedback.

Hindi ba nakakaapekto sa koponan ang pagkaka-link nina Terrence at Vice?

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“All their (players) private life, I respect that, I have nothing to do with that, my only concern is kapag nasabit sila sa gulo and that’s the time that they will be out of the team,” sagot ni Mr. Mikee na artistahin ang dating.

“I don’t think po (nakaka-apekto), kasi I think Terrence is one of the top three players in the PBA in terms of popularity. He shares the limelight with James Yap and Marc Pingris. I think it’s positive po,” dagdag pa niya.

Ano ang stand niya sa sinabi ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao tungkol sa same sex marriage?

“Hindi po ako naniniwala sa masahol pa sa hayop, I think nagkamali lang po ng context. There are two segments na binanggit ni Manny, I’m not defending him. Ihiwalay po natin sa dalawang context ang sinabi ni Manny, one is ang sinasabi niya, same sex marriage is hindi siya pabor because of the values reason na sinabi.

“At ‘yung pangalawa, kasi kinumpara niya sa hayop, do’n siya sumabit, I think sa akin, being a Catholic country, 80% po tayo ay Catholic, ‘yung religious belief po natin about same sex marriage is that it’s still a taboo here. Ako, I would just ride that line.

“But with regards to the LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender) on their rights and privileges, ipagtatanggol ko po ‘yan, because they also deserve to have equal rights everywhere. I don’t like discrimination. 

Hindi ho dapat ganu’n,” paliwanag mabuti ni Mr. Romero.

Natanong ang isyung ito dahil may party-list si Mr. Romero, ang 1 PACMAN na alam naman ng lahat na matagal nang taguri kay Manny Pacquiao -- na wala naman daw koneksiyon.

Acronym lang daw ang 1 PACMAN ng One Patriotic Coalition of Marginalized National, Inc.

“Very catchy kaya ginamit na rin namin ang PACMAN. Sabi nga ni Manny, gamitin namin tutal ang agenda namin, makatulong sa sports,” paliwanag niya.

Plano raw nilang maglagay ng Department of Sports para mapangalagaan ang lahat ng mga manlalaro sa bansa at maging sa showbiz industry din.

Ang sorpresang nalaman ng press, stepfather pala ni Mikee si Eddie Garcia at 35 years na raw nitong kasama ang mommy niya. 

“Laman din po ako ng showbiz noong bata-bata pa ako kasi isinasama ako ni Daddy Eddie sa mga awards night. Kaya alam ko po ang problema rin sa showbiz industry, sa mga artista at taga-production na walang benefits like SSS at Philhealth kasi they are considered as talents ng network.

“Kaya po ‘yung iba kung hindi kayang kumuha ng health card on their own, kawawa.

“Isa poi to sa layunin ko na kapag naupo ako sa Kongreso ay gagawa po ako ng batas na naglalayon para sa proteksyon ng mga artista at sa mga nagta-trabaho sa production.”

E, teka, tahimik na ang buhay ni Mikee at barya lang ang suweldo kapag naupo siya sa Kongreso, bakit gusto niyang gumulo ang buhay niya?

 

Hindi pa ba siya kuntento sa mga negosyo niya bilang Vice Chairman ng Air Asia Philippines, Zest Airways, Chairman ng Manila North Harbour Port, Mikro-tech Capital, CEO Pacifica, Inc., Chairman ng 168 Ferrum Pacific Mining Corporation at iba pa?

“Nagsawa na po ako sa kakapanood lang and sitting on the sidelights, watching things na hindi nila magampanan ‘yung mga role nila (mga nakaupo sa gobyerno). So, I think, isa po sa nasabi ko before, I’m volunteering to make changes, so I think panahon na para magbago ang kultura ng politika. Ekonomista po ako and major ko po, I’m a doctor in finance and economics.

 

“Nasubukan na po natin ang mga pulitiko sa Pilipinas, baka it’s about time na makasubok naman ng isang ekonomista to change the faith of our economy.”

 

Sabi pa ni Mikee, kapag naupo siya, ang suweldo niya ay ibabalik niya sa bayan at ipamamahagi sa pampublikong ospital tulad ng Philippine General Hospital o PGH, Philippine Heart Center at iba pa.

“If I’m not make any difference and I’m just one of the politicos, siguro I’ll stop na,” pangako niya sa taumbayan.

Samantala, tinanong si Mr. Romero kung sino ang showbiz crush niya. 

“Si Miss Universe Pia Wurtzbach because she’s beautiful and very intelligent. Pero may asawa na po ako at happily married,” hirit pa niya. (REGGEE BONOAN)