Isinusulong ni Senator Francis Escudero ang pagbibigay ng tax incentive sa mga negosyante para mahikayat ang mga ito na mamuhunan sa renewable energy, upang matiyak na sapat ang supply ng kuryente sa bansa.

Aniya, ang pagbibigay ng insentibo ay isa sa mga paraan para masigurong hindi magkukulang ang supply ng kuryente sa maraming lugar, gaya ng Bantayan Island sa Cebu, na tinaguriang “egg basket” ng Visayas.

“Kailangang magkaroon tayo ng sistema na magbibigay ng insentibo sa mga mamumuhunan sa renewable energy na hindi lamang sustainable kundi mura pa,” ani Escudero.

Sa datos ng Department of Energy (DoE) noong 2104, 37 porsyento lang ng supply ng kuryente ang mula sa renewable energy, habang 63% naman ang galing sa non-renewable energy, tulad ng coal o uling. (Leonel Abasola)

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko