Malaking bilang ng Grade 10 – dating fourth year high school – students sa buong bansa ang hindi makakapagtapos ngayong Abril dahil sa implementasyon ng Senior High School (SHS) sa ilalim ng Kto12 Program na ipinatutupad ng Department of Education (DepEd).

Sa halip na magtatapos sa secondary level at tatanggap ng kanilang diploma, libu-libong Grade 10 student ang tatanggap ng kanilang Junior High School (JHS) certificate sa “Moving Up” o “Completion” ceremony bilang paghahanda sa kanilang pagpasok sa Grade 11 o ang unang taon ng SHS – kapag pinili nilang magpatuloy.

Ipinakita sa datos ng DepEd na may 1.2 milyon hanggang 1.6 milyong estudyante ang inaasahang magpapatala sa Grade 11 sa 2016.

Alinsunod sa DepEd Order No. 7 series of 2016, inanunsiyo ng Department na ang lahat ng graduation at completion ceremony para sa SY 2015-2016 ay dapat na itakda sa Abril 1, 2016 o pagkatapos nito.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Inilatag din ng DepEd ang mga panuntunan para sa “end of school year rites” kapwa sa pampubliko at pampribadong elementary at secondary school sa buong bansa.

Para sa school year na ito, idiniin ni Luistro na tanging Grade 6 learners at Grade 12 learners mula sa mga eskuwelahan na may DepEd-approved Kto12 transition plan; mga paaralan na mayroong permit to operate SHS simula SY 2014; at international schools na may Kto12 program ang magtatapos at tatanggap ng elementary certificate at high school diploma, ayon sa pagkakasunod. Samantala, ang Grade 10 learners na nakakumpleto ng JHS ay tatanggap ng JHS certificate na ibibigay sa Moving Up o Completion ceremony. (MERLINA MALIPOT)