Karla copy copy

AYAW nang magpatalbog ni Karla Estrada sa anak niyang si Daniel Padilla. Sunud-sunod na rin ang project niya ngayon at malapit na rin siyag maging contract star ng ABS-CBN.

Tuwang-tuwang ibinalita sa amin ni Karla na uumpisahan na niya ang isang kakaibang teleserye at si Bayani Agbayani ang magiging kapareha niya. Silang dalawa raw ni Bayani ang bida at sa Yehey cable channel ng ABS-CBN TV Plus ito ipapalabas.

“First time na magkakaroon ng gano’ng tema ng palabas ang Yehey. Kumbaga, parang expiremental muna kung magkiklik, eh, tuluy-tuloy na at baka maipalabas din sa mismong Channel 2,” kuwento ni Karla nang makatsikahan namin pagkatapos ng It’s Showtime na isa siya sa judges ng segment na “Tawag ng Tanghalan”.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Biro namin kay Karla, mas sunud-sunod pa ang project niya kaysa kay Daniel na pagkatapos ng Pangako Sa ‘Yo ay wala pang ginagawang bagong proyekto.

“May gagawin silang (KathNiel) movie with Julia (Barretto) at meron pa rin namang nakaplanong TV project para sa kanilang dalawa,” pagtatanggol agad ni Karla sa anak.

Bukod sa araw-araw napapanood saShowtime, dalawang beses sa isang linggo rin siyang kasama sa grupo ng players sa Celebrity Playtime na hosted ni Luis Manzano.

Samantala, nilinaw ni Karla ang isyung may mga dating kaibigan daw na may tampo sa kanya. Nagbago na raw kasi siya dahil sa nakamtang kasikatan ng anak niya.

“Wala namang nagbago sa akin. Kumbaga, sa ugali ko, eh, wala namang pagbabago. Siguro kaya nila nasabi ‘yan dahil sa sobra tayong busy lately. Sana maintindihan din nila na hindi lang ang career ko ang inaasikaso ko kundi pati na rin naman si DJ. Hindi lang naman siya kundi apat silang inaasikaso ko,” paliwanag pa rin ni Karla.

Aniya pa, kung sino ang mga kaibigan niya noon pa ay iyon pa rin naman ang mga kaibigan niya ngayon.

“Hindi ako nagbabago. Kung friend kita, ako pa rin ang friend n’yo noon at friend ko pa rin naman ngayon,” sey pa rin ng aktres. (Jimi Escala)