Nairehistro ang bagong 235 kalahok sa anim na magkakahiwalay na 2-cock elimination sa 2016 Thunderbird Enertone Challenge 5-Cock Derby.

Sa ikalawang taon ng programa, ginarantiyahan ng Thunderbird ang premyong P2.5 milyon sa napakababang entry fee na P3, 000 plus 20 empty na pakete ng Enertone.

Handog ni Ka Lando Luzong, ang taunang labanan na ito ay para sa mga maliliit o masang sabungero sa layuning mabigyan ng pagkakataon na makasali sa isang malaking pasabong na may mababang entry fee.

Titindi pa ang labanan sa isa pang 2-cock elimination sa Puerto Prinsesa, na 50 entry ang inaasahang maghaharap bukas.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gaganapin din ang elimination sa New Tarlac Coliseum, Marso 6; San Nicolas Cockpit (Ilocos Norte), Marso 11; Fantastic Coliseum (Alaminos, Laguna – GBLAG), Marso 11; at Magic Island Cockpit Arena (Botolan, Zambales), Marso 11.

Nakatakda ang 2-cock preliminaries sa Tayabas Cockpit, Tayabas, Quezon (Marso 12); Tugot Cockpit Arena, Baggay, Cagayan (Marso 12); Malvar Sports Complex, Batangas (Marso 12); Abucay Cockpit, Bataan (Marso 14); Tanay Cockpit, Tanay, Rizal (Marso15) ; Las Pinas Coliseum (Marso 16); Luisiana Cockpit, Laguna (Marso 16); San Fernando Sports Complex, San Fernando, La Union (Marso 16) at Sta. Monica, Novaliches, QC (Marso 17).

Naka-line-up din ang Santa Square Arena, Santa, Ilocos Sur (Marso 18); Cabuyao Coliseum, Laguna (Marso 18); Cagsawa Cockpit Arena, Daraga, Albay (Marso 19) ; Twin Creek Cockpit Arena, Bgy. Pingit, Baler, Aurora (Marso 20) at SBMA Cockpit, Olongapo (Marso 20).

Gaganapin sa Roligon Mega Cockpit ang 2-cock eliminations sa Marso 17, 27, 29 at 31, habang ang 3-cock championship ay nakatakda naman sa parehong sabungan sa Abril 3.