Sinabi ng mga opisyal ng Philippine Coast Guard na siniyasat nila ang isang North Korean cargo vessel na dumaong sa hilangang kanluran ng Manila, isa sa mga unang pagsisiyasat simula nang magpataw ang United Nations Security Council ng mga sanction sa Pyongyang dahil sa nuclear program nito.

Inihayag kahapon ni Coast Guard Deputy Commandant Athelo Ybanez na ang MV Jin Teng ay siniyasat sa daungan ng Subic Bay. Dumating ang barko nitong Huwebes mula sa Balembang, Indonesia, lulan ang mga palm kernel expeller.

Nakasaad sa ulat sa coast guard headquarters sa Manila na walang nakitang anumang kahina-hinalang materyales ang mga inspector. Ilang maliliit na aberya gaya ng nawawalang mga fire hose, kinakalawang na air vent, at electrical switches na walang insulation ang kailangang kumpunihin bago papayagan ang barko na muling maglayag. (AP)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador