NOONG panahon ng Civil War sa America, namataan ang isang guwardiya na natutulog sa oras ng trabaho. Dahil doon, siya ay pinatawan ng parusang kamatayan.

Nang makarating ito kay President Abraham Lincoln, mismong siya ang kumausap sa guwardiya at ipinag-utos na palitan ang ipinataw na parusa.

Nagreklamo ang kanyang mga heneral, ngunit ang desisyon ng presidente ang nanaig. Dahil sa maling nagawa, simula noon ay pinatunayan ng sundalo na siya ay masunurin at maaasahang sundalo.

Ang kuwentong ito sa totoong buhay ay naglalarawan sa pagkahabag sa atin ng Panginoon sa parabulang Prodigal Son (Lk 15, 11-32) ngayong ikaapat na Linggo ng Kuwaresma.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ayon sa Bible scholars, ang kuwento ng Prodigal Son ay hindi tama. Dapat itong pamagatang “prodigal” Father dahil ang buong kuwento ay umiikot sa walang-kapantay na pagmamahal ng ama sa kanyang makasalanang anak.

Nagsimula ang pagmamahal na ito nang ipagkaloob ng ama ang kahilingan ng kanyang anak na maging malaya at malayo mula sa kanilang tahanan.

Kahit alam ng ama ang kapahamakang maaaring mangyari sa anak, hinayaan niya itong umalis. Lumalarawan ito sa pagmamahal ng Panginoon sa atin: for love to be true it must be freely given; it cannot be forced.

Matapos bumukod ng anak at gastahin ang lahat ng kanyang kayamanang namana, siya ay naging nalugmok, nadurog, at iniwan ng kanyang mga mapagsamantalang kaibigan.

Upang muling makabangon, kinailangan niyang magtrabaho sa babuyan. Ito ay may kahulugan.

Para sa mga Hudyo na bawal kumain ng karne, ang magtrabaho sa isang babuyan at pagkain ng “husks the pigs ate,” ay nangangahulugang sila ang may pinakamababang estado sa pamumuhay.

Hanggang sa mamulat sa katotohanan ang batang lalaki. Napagtanto niya ang malaking pagkakamali na kanyang nagawa.

Sinabi niya sa kanyang sarili, “Babangon akong muli at pupunta ako sa aking ama.” At muli siyang bumalik sa kanilang tahanan.

Ang mapagmahal na ama sa kuwento ay kumakatawan sa Panginoon habang ang suwail na anak ay mga taong makasalanan, at tayo ‘yon.

Nais ipaalam sa atin ng Panginoon na kahit gaano kalaki ang ating kasalanan, naghihintay lamang Siya sa ating muling pagbabalik-loob. (Fr. Bel San Luis, SVD)