Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

8 n.u. -- UP vs. La Salle (m)

10 n.u -- Ateneo vs. FEU (m)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2 n.h. -- UE vs. UST (w)

4 n.h. -- La Salle vs. FEU (w)

Walang nakahihigit sa bawat isa.

At sa pagsisimula ng second round elimination ngayon, tatangkain ng mga koponan na makaagapay para patatagin ang kampanya sa UAAP Season 78 volleyball tournament, sa San Juan Arena.

Nabigo ang La Salle Lady Archers na isara ang first round sa malugod na pamamaraan nang magapi sila ng University of Santo Tomas Tigresses.

Kontra sa Far Eastern U Tamaraws, nagapi nila sa unang paghaharap sa straight set, inaasahang babawi ang Taft-based belles sa kanilang laro sa ganap na 4:00 ng hapon.

Magtatangka naman ang Lady Tams na makaganti sa Lady Archers para maikampay nang bahagya ang kanilang mga kamay palabas sa ikaapat na puwestong kinalalagyan kasama ang UP sa 4-3 karta.

Sasakyan naman ng Tigresses ang momentum ng naitala nilang 3- sets win kontra Lady Spikers sa pagsabak kontra University of the East sa ganap na 2:00 ng hapon.

Mauuna rito, patatatagin ng defending men’s champion Ateneo ang kapit sa pamumuno kung saan kasalo nila ngayon ang Adamson sa pagsalang kontra FEU ganap na 10:00 ng umaga pagkatapos ng unang laro ganap na 8:00 ng umaga sa pagitan ng UP at La Salle. (Marivic Awitan)