Laro ngayon

(San Juan Arena)

2 n.h. -- NU vs DLS

(Finals, Game 3)

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Tatangkain ng National University na makamit ang minimithing kampeonato sa ikalawang pagkakataon sa pakikipagtuos sa De La Salle-Zobel sa Game 3 ng UAAP Season 78 juniors basketball championship sa San Juan Arena.

Hangad ng thrice-to-beat Bullpups na tapusin ang laban at makaiwas sa winner-take-all sa kanilang pakikipagharap sa Junior Archers, sa ganap na 2:00 ngayong hapon.

Binuhay ni season MVP Aljun Melecio ang pag-asa ng Junior Archers nang ipatikim sa Bullpups ang kauna-unahang kabiguan ngayong season sa iskor na 71-60 nitong Game Two.

Tatangkain ng Junior Archers na muling mapigil kung hindi man tuluyang masawata ang Bullpups slotman na si Justine Baltazar na nagtala ng average na 23.5 puntos.

“We have to limit his points and limit the other guys from rebounding as well,” pahayag ni La Salle-Zobel coach Boris Aldeguer.

Kung magwawagi ang La Salle, maitatakda ang deciding Game Four sa susunod na Biyernes. (Marivic Awitan)