Nanawagan si dating Justice secretary at ngayo’y Liberal Party senatorial bet Leila de Lima na tigilan na ang pang-aabuso sa kababaihan, kaugnay ng paggunita sa Women’s Month ngayong Marso.

Batay sa mga estadistika, ang kababaihan ang may pinakamalaking bilang ng inabuso at inaapi sa lipunan.

Aniya, isa sa sampung babae ang biktima ng pang-aabusong seksuwal at marami sa hanay ng mga ito ang hindi dokumentado, dahil sa kahihiyan o takot.

“While law enforcement and prosecution services have worked double time in bringing justice, there is still a need to strengthen measures to make a major impact against criminality,” ayon kay De Lima.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Naniniwala din si De Lima na malaking tulong ang mga repormang kanyang nagawa sa mahigit limang taon niyang panunungkulan bilang kalihim ng Department of Justice (DoJ).

Aniya, ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa pang-aabuso sa kababaihan at pagmumulat sa kanilang mga karapatan ang isa sa mga nakikita niyang solusyon para mapigilan ito. (Leonel Abasola)