Maagang nakabawi ang Café France mula sa kabiguang natamo sa kamay ng Tanduay nang pabagsakin ang AMA University, 97-78, Lunes ng gabi sa PBA D-League Aspirants Cup sa San Juan Arena.

Bunsod ng panalo, umangat ang Bakers laban sa Caida Tile para sa No.1 spot patungo sa quarterfinals.

“I guessed the boy learned their lessons, kasi nakita natin na pumukpok sila ngayon. At least, the boys played well and naka-bounce back kami,” pahayag ni Bakers coach Egay Macaraya.

Nanguna para sa Bakers si playmaker Aaron Jeruta na nagtala ng 20puntos, habang nagdagdag ang beteranong si Paul Zamar ng 15 puntos.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Hataw din sina Carl Bryan Cruz na nagposte ng 14 puntos, 6 na rebound at 5 assist; Rodrigue Ebondo na tumapos na may double-double 12 puntos at 19 na rebound; at team skipper Samboy de Leon na may 10 puntos.

Ayon kay Macaraya, tila natauhan ang kanyang mga player kasunod ng natamong 74-79 kabiguan sa kamay ng Rhum Masters.

“They thought we were invincible. Iniisip ng mga bata na they can recover anytime, pero di kami naka-recover. Natuto kami ng leksiyon sa larong yun,” ani Macaraya.

Nanguna naman para sa Titans, bumaba sa barahang 2-5, si Jarelan Tampus na may 19 na puntos.

Iskor:

Café France 97 — Jeruta 20, Zamar 15, Cruz 14, Ebondo 12, De Leon 10, Malangit 7, Abundo 5, Casino 5, Celso 4, Opiso 3, Arum 2, Anunciacion 0, Guinitaran 0, Villahermosa 0.

AMA 78 — Tampus 19, De Leon 14, King 11, Jamito 9, McCarthy 9, Arambulo 5, Angeles 4, Carpio 3, Magpantay 2, Mendoza 2, Alberto 0, Jordan 0.

Quarterscores:

22-10; 45-35; 79-56; 97-78. (MARIVIC AWITAN)