Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang agad na pagpapalabas ng pondo na nakalaan sa modernisasyon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa gitna na rin ng posibilidad na maranasan naman ng bansa ang La Niña, o madalas na pag-uulan, kasunod ng El Niño, sa huling bahagi ng taong ito.

Aniya, sa ngayon ay nagkakasya lang sa P4.2 milyon pondo ang PAGASA para sa mga warning system sa 18 pangunahing river basin sa bansa, ayon kay Recto.

Sinabi ni Recto na dapat agad na ibigay ang P3 bilyon para ipambili ng mga makabagong kagamitan, alinsunod sa PAGASA Modernization Act, na nilagdaan ni Pangulong Aquino noong Nobyembre 3, 2015. Si Recto ang pangunahing may akda ng nasabing batas.

Pebrero 25 nang magbabala ang PAGASA na posibleng La Niña phenomenon naman ang maranasan ng bansa sa huling bahagi ng taong ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang La Niña ay kabaligtaran ng El Niño, at magbubuhos ng mas maraming ulan, bukod pa sa mas maraming sama ng panahon o bagyo ang mamumuo. (Leonel Abasola)