Umapela si Senate President Franklin Drilon sa Supreme Court (SC) na desisyunan na ang mga kaso ng diskuwalipikasyon laban sa presidential aspirant na si Senator Grace Poe, sa susunod na dalawang linggo.

Kinapanayam nang mangampanya sa San Jose del Monte City sa Bulacan kamakailan, sinabi ng kandidato sa pagkasenador ng Liberal Party na nakapagsumite na ng kani-kanilang memorandum sa kaso ang lahat ng panig.

“Siguro naman ay hindi lang ngayon nakita ng justices ang issue, ang mga arguments. Matagal na nilang pinag-aralan ‘yan,” sabi ni Drilon.

“Kaya ako po ay hinihingi ko po sa Korte Suprema, bago po mag-March 15 or within the next two weeks, hinihiling ko po na madesisyunan na ng Korte Suprema ito,” anang Senate President.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kinuwestiyon ni Poe sa kataas-taasang hukuman ang pagdiskuwalipika sa kanya ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa pagiging hindi niya natural-born Filipino citizen at sa kabiguang makatupad sa 10-year residency requirement bilang kandidato sa pagkapangulo.

“In fairness to all parties concerned, to Senator Grace Poe, and our election’s credibility. We should decide that as soon as possible, in fairness to all candidates,” giit ni Drilon. (HANNAH L. TORREGOZA)