Namayani ang Colegio de San Lorenzo at PATTS College of Aeronautics sa kani-kanilang laro para makausad sa Final Four ng 8th Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA) women’s volleyball championship kamakailan sa Marikina Sports Complex.

Ginitla ng CDSL Lady Griffins ang Asian Institute of Maritime Studies, 25-11, 25-18, 25-16, habang dinaig ng PATTS ang St. Francis of Assissi College, 25-22, 25-17, 32-30.

Makakaharap ng third ranked Lady Griffins ang may twice-to-beat na bentaheng National College of Business and Arts Lady Wildcats sa semi-finals.

Masusubok naman ang PATTS sa top seeded Technological Institute of the Philippines, winalis ang five-game elimination.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA