Naisalba ng Adamson ang matikas na hamon ng National University para maitarak ang 7-3 panalo nitong Sabado at hilahing ang record winning streak sa 72 sa UAAP softball championship sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Bunsod ng panalo, lumapit ang Lady Falcons sa dalawang laro para walisin ang 12-game elimination at makopo ang awtomatikong final berth sa Season 78.

Matikas na nakihamok ang Lady Bulldogs na nagawang makatabla sa 2-2, bago rumatsada ang Lady Falcons.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'