Halos 1.5 milyong Pilipino sa pagtatapos ng 2015 ang nakahanap ng trabaho online, sinabi ng Department of Science and Technology (DoST).

Sa paglaganap ng trabaho sa online at sa talento ng mga Pinoy, dagdag pa ang libreng free Wi-Fi Internet sa buong bansa ng DoST, kumpiyansa ang Information and Communications Technology (ICT) Office ng ahensiya na mas marami pang Pilipino ang makahahanap ng trabaho sa online.

Binanggit ng ICT Office ang galing ng mga Pilipino sa pagsusulat, graphic at web design, desktop publishing, audio at video editing, software development, at virtual office assistance skills.

Ang kailangan lamang gawin ng isang online worker na taglay ang kinakailangang skills ay computer na may access sa Internet, ayon sa kagawaran.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinangalanan nito ang ilan sa mga job website o portal kung saan na makahahanap ng online job, gaya ng UpWork.com, Freelancer.ph, at OnlineJobs.ph, idinagdag na ang mga employer ay madalas na small- to medium-sized companies o mga indibidwal sa ibang bansa na mas nais na maging cost effective ang outsourcing jobs at functions.

Binanggit ni DoST Secretary Mario Go Montejo na “world class” ang kakayahan ng mga Pilipino.

Ayon sa kanya, ang Internet connectivity ay susi sa trabaho online, ngunit problema sa kanayunan. Ngunit may kasagutan ang DoST rito, ang “Juan Konek Free Wi-Fi Internet access in public places project.”

Binanggit ng ICT Office na isa at kalahating milyong Pilipino ang kumikita ng “an average of $3 per hour and $250 per project.” (Edd K. Usman)