Lani, Martin at Toni copy

HINDI pala muna nagre-report si Martin Nievera sa ASAP20 dahil busy siya bilang isa sa “himmigration officers” sa singing contest na I Love OPM kasama sina Lani Misalucha at Toni Gonzaga.

“I think I need to concentrate on this show that’s why I don’t report to ASAP,” sabi ni Martin sa presscon ng I Love OPM. “They need me on this show.”

Iiwan na ba ni Martin ang ASAP?

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Of course not, I will never leave ASAP. ASAP will always be a part of my life even if I’m dead, that’s gonna be my show. I love that show, I love being in ABS-CBN.”

Sa madaling sabi, babalik si Martin sa ASAP pagkatapos ng I Love OPM?

“When I’m 65 (years old), who knows, baka next Sunday, di ba?” pabirong sagot niya.

Babalik ba siya as a guest?

“As a singer, I’m not a host anymore on ASAP, I’m not one of the main hosts anymore because they have new hosts.

ASAP is ASAP, it’s good. Regardless there were no superstar on our show here (I Love OPM), we are equally here no billing problems whatsoever.”

Sinulat namin kamakailan na masama ang loob ni Martin dahil hindi na sila main host nina Gary Valenciano at Zsa Zsa Padilla gayong pioneer host siya ng ASAP.

Sina Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Toni at Luis Manzano na kasi ang main hosts ng show. Simula ng i-take over nila ang show, tumaas na ang ratings nito.

Samantala, patok sa manonood ang I Love OPM na foreigners ang pinakakanta nila Original Pilipino Music. Laging trending ang show tuwing weekend na nakakuha agad ng 24.8% noong Pebrero 13 at 20% naman noong Pebrero14.

Orihinal ang konsepto ng ABS-CBN, host naman ng I Love OPM si Anne Curtis at co-host si Erik Nicolas. Ayon mismo sa staff ng programa, ang ABS-CBN COO mismo na si Ms. Cory Vidanes ang nakaisip nito at ipinabuo sa kanila.

Sa loob ng dalawang linggo, labindalawang “touristars” na ang umabante para sa susunod na round ng “himigration officers”. Sila ay ang Amerikanong si Sumner Mahaffey at Australyanong si Naisa Lasalosi na parehong misyonaryo sa bansa, Indian na si Addy Raj na isa namang exchange student.

Ang Pakistani model na si Harris Dio Smith at Amerikanong negosyanteng si Jerome Mccuin ay bisita ng mga Pilipinong kaibigan nila.

Samantala, kani-kaniyang pag-ibig naman ang nagdala sa Rusong si Anna Rabtsun at Amerikanong si Daniel Herrington sa Pilipinas.

May ilan din na sadyang minahal na ang musikang Pinoy tulad ng Amerikanong si Ryan Gallagher, dalagitang German-Irish na si Jeena Dimaandal, at Singaporean na si Fathin Amira.

Touristars din ang Korean band na J Morning at interracial singing trio na DBD na binubuo ng Koreanong si Dae Lee, Nigerian na si Bobby Skyz at Australyanong si Dwaine Mooley.

Inaabangan ng viewers kung saan-saang bansa manggagaling ang iba pang mga dayuhan na mahuhusay kumanta ng OPM. (REGGEE BONOAN)