Julia-Montes copy

IKALAWANG best actress na ni Julia Montes ang tatanggapin niya mula sa 14th Gawad Tanglaw, this time para sa papel niyang kambal sa Doble Kara.

Unang nanalo ng Gawad Tanglaw trophy ang dalaga bilang best actress sa seryeng Ikaw Lamang.

“Isa pong karangalan na nabigyan po uli ng pagkilala ng Gawad Tanglaw. Taos-puso po akong nagpapasalamat at masaya na na-appreciate nila ang pagganap ko sa kambal,” sabi ni Julia. “Marami pang pagsubok at salpukan ang dapat abangan sa buhay ng kambal at lahat ng karakter ng show na siguradong kakapitan ng mga manonood.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagpapasalamat din si Julia sa patuloy na pagtutok ng mga manonod sa kanyang serye, kaya naman nananatili itong numero uno sa timeslot nito sa hapon.

Base sa nakaraang datos ng Kantar Media, nakakuha ang Doble Kara ng national TV rating na 17.2% noong Martes (Feb 23), mas mataas sa nakuha ng kalabang programang Wish I May ng GMA na nagtala naman ng 10.7%.

Lalo pa kasing umiinit ang kuwento ng Doble Kara sa paghihiganti at pagbawi ni Lucille (Carmina Villaroel) kay Kara mula sa poder ni Laura (Mylene Dizon). Pero hindi na magpapaloko si Kara na handang harapin ang lahat ng pagpapahirap ni Lucille.

Napapanood ang Doble Kara, mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN Kapamilya Gold. (Reggee Bonoan)