MIAMI (AP) -- Magagamit ang outside shooting ni Joe Johnson sa Miami Heat para patatagin ang kanilang kampanya sa playoff.

Ayon sa isang opisyal na may direktang kaalaman, ngunit tumangging pabangit ang pangalan, sinabi niya sa Associated Press na pumayag na si Johnson sa alok na kontrata ng Heat.

Inaasahang lalagda sa kontrata si Johnson sa Sabado (Linggo sa Manila) matapos makakuha ng waiver at puwede na siyang lumaro sa pagbisita ng Heat sa New York Knicks.

Matindi ang pangangailangan ng Heat sa outside shooter matapos ma-sideline si Chris Bosh bunsod ng ‘blood clot’.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nasa injury list din sina Tyler Johnson at Beno Udrih.

Hindi rin mahihirapan ang 34-anyos seven-time All-Star na pakisamahan ang ilang Heat player, kabilang na si Dwyane Wade. Naitala niya ang 1,797 career 3-pointer.

Tangan ni Johnson ang averaged 10.5 puntos mula sa 35 percent shooting.