Hindi sakop ang post-graduate students ng 20 porsiyentong diskuwento sa pamasahe, paalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ang nilinaw ni LTFRB board member Atty. Ariel Inton matapos maiulat ang pag-aaway ng isang estudyante at ng isang konduktor dahil sa student fare discount nitong nakaraang linggo.

Ikinatwiran ng konduktor ng bus, kinilalang si Edel Barcoso, na hindi niya mabibigyan ang 28-anyos na estudyante (hindi pinangalanan) ng diskuwento sa pamasahe dahil hindi ito nakauniporme at walang identification card.

Sinabi ng LTFRB na hindi sakop ng guidelines nito para sa student fare discount ang post-graduate student tulad ng mga kumukuha ng medicine, law, Master’s o Doctorate degree.

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

“Student fare discount is not a law. It is only a Memorandum Circular under the LTFRB not mandated by the law like discounts for senior citizens and PWDs (persons with disabilities),” paliwanag ni Inton. (PNA)