Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa netizens na huwag makuntento sa pagpaskil ng mga litrato ng mga kandidatong lumalabag sa batas sa halalan, at maghain ng pormal na reklamo laban sa mga ito.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, nakatanggap sila ng maraming reklamo sa social media hinggil sa campaign violations ng ilang kandidato.
Gayunman, mas mainam aniya kung maghahain ng pormal na reklamo ang netizens, lalo na kung may hawak naman silang matibay na ebidensya. (Mary Ann Santiago)