Maricel Soriano copy

BIHIRANG makita sa mga pampublikong lugar si Maricel Soriano kaya naman nagkagulo sa public markets sa Caloocan at Malabon nang bumisita ang magaling at award-winning na aktres bilang suporta sa presidential candidate ng Liberal Party na si Mar Roxas.

Huling napanood sa telebisyon ang original na Taray Queen noong 2014 sa top-rating na Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA-7 na pinagbidahan niya kasama sina Lovi Poe at Dingdong Dantes. Last month ay nagbalik si Marya sa pelikula sa pamamagitan ng film adaptation ng Lumayo Ka Nga Sa Akin ni Bob Ong. Nakasama niyang muli ang kanyang Kaluskos Musmos co-star na si Herbert Bautista.

Marami ang nakaka-miss kay Maricel, lalung-lalo na ang kanyang loyal at die-hard fans na lagi pa ring nakasubaybay at sumusuporta sa kanyang career.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Nakakataba ng puso ang walang sawang pagtangkilik sa akin ng mga Mariceleans,” sabi ng Diamond Star. “At nakakaloka sila dahil pabata sila nang pabata. Ang tawag ko sa kanila ay may mga ‘diperensiya’ dahil talagang todo ang suporta nila sa lahat ng mga projects ko.”

Nang tanungin kung kailan ulit siya gagawa ng pelikula o bagong TV show, inihayag ni Maricel na marami siyang pinagpipiliang mga proyekto. “Ang tagal ko na sa industriya. Dito na ako lumaki at halos lahat yata ng papel ay nagampanan ko na. Kaya naman medyo mapili na rin ako sa material ngayon dahil, di ba, dapat bago at kakaiba naman ang ipakita ko. May mga niluluto kaming projects pero hindi pa ako puwedeng magbigay ng detalye ngayon.”

Naikuwento rin ni Marya ang kakaibang experience sa paglilibot niya sa iba’t ibang mga lugar lalo na sa mga palengke na patuloy na inalagaan ni Mar Roxas bilang Mr. Palengke.

“Enjoy na enjoy ako dahil bukod sa naniniwala ako kay Mar, eh, mayroon din akong rare chance na makasalamuha ang mga tao. Bongga ang chikahan ko sa kanila at super fight ako sa mga selfie kasama sila. Hindi naman sa lahat ng oras ay nakakasama ko ang mga fans ko at may nakikilala akong mga bagong tao. Nakakapagod ng konti ang pagrampa ko pero masaya, ha!” nakangiting pagtatapos ni Marya. (ADOR SALUTA)